Dalawang pugot na bangkay ang natagpuan sa Libucan Sacu, Tarangnan Samar.
Pinaghihinalaang kabilang ang mga biktima sa 10 armadong indibidwal na sakay ng isang bangkang de motor na nakaengkwentro ng militar noong lunes sa Catbalogan City.
Agad namang inimbestigahan ng mga otoridad kung kasama ng armadong grupo ang pinaghahanap na mag-asawang high-ranking officials ng CPP-NPA-NDF na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Dahil sa nakitang katawan, umabot na sa apat na bangkay ang nakitang palutang-lutang sa karagatan ng bayan ng Tarangnan.
Pinaigting naman ng mga otoridad ang search and retrieval operations sa lugar.
Sa ngayon, matatagalan ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga bangkay lalo’t walang kaanak ng mga ito ang nagpapakilala.—sa panulat ni Hannah Oledan