Sugatan ang dalawang pulis matapos sa pagsabog ng isang police mobile sa bayan ng Tubungan, Iloilo.
Ayon kay PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagpapasabog.
Kinilala ang mga biktima na sina Patrolman Eric Galve at Police Staff Sgt. Ian John Lindo.
Patungo sana umano ang mga ito sa barangay Singon nang maganap ang pag-atake.
Ito ang unang naging pag-atake sa unang araw ng ceasefire sa pagitan ng security forces ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP).