Ipinasara ni Makati City Mayor Abby Binay ang dalawang resto-bars sa barangay Poblacion dahil sa mga paglabag nito sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Binay, kanya nang ipinakansela ang mga permits ng dalawang resto-bars na kinilalang Movida fashion food at royal club.
Kabilang sa mga hindi nito nasunod na umiiral na pag-iingat ay paglabag sa curfew, maging ang hindi pagsunod sa physical distacing.
Bukod pa rito, umabot sa 51 mga indibidwal ang sinita ng mga awtoridad sa naturang mga establisyimento at pinagmulta ng tig-iisang P1,000.
Sa huli, binigyang diin ni Binay sa mga namumuno ng iba’t-ibang negosyo at sa mga customer nito na seryosohin at mahigpit na sumunod sa mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.