Binabantayan ngayon ng PAGASA ang dalawang sama ng panahon malapit sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, ang isang tropical cyclone na may international name na Talim ay huling namataan sa layong 1,185 kilometro silangan ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 65 kilometro kada oras at pabugsong papalo sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilaga- hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras na tatawagin namang Bagyong Lani oras na pumasok ng PAR.
Samantala, ang isa namang weather system ay isang Low Pressure Area na nasa hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA na malabo itong maging ganap na bagyo at magsisilbi lamang itong extension ng tropical cyclone Talim.