Nasawi ang dalawang sanggol matapos umanong bakunahan ang mga ito sa Health Center sa Lapu-Lapu, Cebu.
Ayon sa salaysay ng inang sina Jian Igoy at Lenlen Suson, nagtungo sila sa Abuno Health Center para paturukan ang kanilang sanggol ng Pentavalent Vaccine na proteksyon laban sa sakit na Diphtheria, Tetanus, Hepatitis-B at Influenza.
Makalipas umano ng tatlong araw ay nilagnat ang apat at tatlong buwang gulang na mga sanggol at binawian din ng buhay.
Kasalukuyang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at Department of Health Region 7 hinggil sa pangyayari.
Samantala, mariing itinanggi naman ni Dr. Rodulfo Berame, Health Officer ng Lapu-Lapu City na dahil sa bakuna kaya namatay ang dalawang sanggol.