Dalawang security guard ang patay matapos umanong magbarilan sa loob ng isang condominium unit sa Katipunan Avenue, Quezon City, kahapon.
Nagmula sa magka-ibang security agency ang dalawang hindi pa nakikilalang guwardya na natagpuang patay sa basement parking ng One Burgundy Plaza, dakong alas 3:00 ng hapon.
Nagsasagawa na ng preliminary investigation ang Quezon City Police District.