Kontra sina Senator Sonny Angara at Sherwin Gatchalian sa mga panawagan na buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang pangunahing tumutugon sa COVID- 19 pandemic.
Ayon kay Senator Gatchalian, ngayong nasa gitna tayo ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 hindi siya kumporme na i-abolish ang naturang task force.
Dapat anyang seryosong ikunsidera ng IATF ay bagong approach at estratehiya sa paglaban sa bagong variant ng covid na siyang sanhi ng mabilis na pagtaas ng infection.
Dapat din anyang masusing makipagtulungan ang iatf sa mga local gov’t unit sa pagkontrol ng virus sa local level
Iginit naman ni senator angara na sa halip na buwagin, dapat magdagdag ng statisticians at data analysts sa IATF.
Ito ay para madaling matukoy ang mga lugar na potensyal na tumaas ang covid case ng sa gayon ay agad na makakilos para hindi ito lumala at humantong sa krisis. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)