Iniimbestigahan na ng Social Security System ang mga alegasyon na sangkot sa kalokohan ang dalawa nitong opisyal na nagtago ng stock investment information mula sa S.S.S.
Ayon kay S.S.S. Chairman Amado Valdez, nag-issue na sila ng show cause order sa mga opisyal na pinangalanan ni SSS Commissioner Jose La Viña.
Nais anya nilang malaman kung may mga tumulong sa dalawang inaakusahan.
Tiniyak naman ni Valdez na ginagamit sa tama ang sss funds sa gitn ang alegasyon ng misconduct ng dalawang opisyal.