Kinalma ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa dalawang omicron sub-variants na na-detect sa Africa at Europe.
Ayon sa DOH, hindi dapat ikabahala ang ba.4 at ba.5 sub-variants na na-detect na sa South Africa, Botswana, Belgium, Denmark at UK.
Bagama’t kasi nakapagtala ng kaso ang mga bansang nabanggit, hindi naman ito nagdulot ng surge sa kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na resulta sa huling genome sequencing sa Pilipinas kung may kaso na ng Omicron XE sa bansa. – sa panulat ni Abby Malanday