Tukoy na ng Quezon City Police District ang dalawang suspek sa panggugulpi sa bilanggong si Genesis Argoncillo alyas Tisoy.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr, ang mga suspek ay kapwa preso ni Argoncillo sa Novaliches police station.
Hunyo 15 nang arestuhin si Tisoy dahil wala umano itong pang-itaas na damit habang bumibili sa isang tindahan Barangay Sauyo pero reklamong “alarm and scandal” ang inihain ng pulisya laban kay Tisoy dahil sa pagwawala.
Samantala, itinanggi naman ng QCPD na namatay sa bugbog si Argoncillo habang nasa kanilang kustodiya sa kabila ng mga nakitang pasa sa katawan nito.
Pina-sinungalingan din ng pulisya na inaresto si Tisoy dahil sa ‘anti-tambay operations’ na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.