Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nasa 10,000 katao ang kinakailangan nilang maisailalim sa contact tracing matapos na magpositibo ang dalawa sa mga indibidwal na nagtungo at pumila sa inorganisang community pantry ng aktres na si Angel Locsin kung saan isang senior citizen ang nasawi.
Ayon sa QC LGU, isa sa dalawang nagpostibo sa COVID-19 ay isang 11 anyos na bata kung saan hindi naman daw ito ang nagtungo sa pa-community pantry ng aktres.
Dahil dito, hinimok ng Quezon City Government ang mga residenteng pumunta at pumila doon na mag-undergo ng libreng COVID-19 testing.
Nananatili namang tikom ang bibig ng aktres na si Angel Locsin hinggil sa naturang ulat.