Nasawi ang dalawang tripulante ng isang tanker sa Iran matapos ang malagim na drone attack.
Lumalabas na isang Briton at isang Romanian ang tripulanteng nasawi matapos pasabugan ang Mercer Street tanker.
Dagdag pa ng mga awtoridad na ang naturang insidente ay isang uri ng pamimirata.
Sa kabila nito, naniniwala naman ang isang opisyal ng defense department na ang naturang drone ay nanggaling mismo sa Iran.
Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas kasing biglang sumabog sa tangker ang naturang drone.
Samantala, iginiit din ng US Military na noon pa man ay nag-ooperate na ang Iran ng mga drone na may dala-dalang bomba.