Isinara muna sa publiko ang ob at pediatrics wards ng San Juan Medical Center (SJMC) makaraang mahawa sa isang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient ang isang doktor at nurse nito.
Batay sa inilabas na kalatas ng pamahalaang lungsod ng San Juan, agad namang isinailalim sa swab testing ang lahat ng mga nakasalamuha ng dalawang nahawang medical frontliners, at naka-quarantine na rin ang mga ito habang hinihintay ang resulta ng isinagawang test.
Kasunod nito, inaasahan naman muling buksan ang mga pasilidad ng ob at pediatrics wards sa Sabado, 11 ng Hulyo. Paalala naman ng mga awtoridad, sa mga nais magpakonsulta, maaari munang pumunta sa outpatient department (OPD) ng ospital.
Samantala, sa kaparehong lungsod, isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang dalawa kalye sa magkaibang barangay dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Juan City, nagsimula na ang pag-iral ng ECQ noong pang 7 ng Hulyo at tatagal hanggang 22 ng Hulyo.
Sa datos kasi, nakapagtala ng pitong kaso ng COVID-19 ang C. Santos Street at anim naman sa J. Eustaquio Street.
Tiniyak naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora, kanilang bibiyagyan ng food packs ang higit 200 apektadong pamilya.