Nagbanggaan ang 2 World War Two-Era Planes sa isang air show kahapon sa Dallas.
Ito ay kinumpirma ng Dallas US Aviation ngunit hindi pa sigurado ang Federal Aviation Administration kung ilan ang indibidwal na sakay ng Boeing B-17 Flying Fortress at Bell P-63 Kingcobra.
Kita naman sa mga video na na-i-post sa social media ang pagsadsad ng P-63.
Matapos ang salpukan, tila nahati ang mga eroplano sa malalaking piraso bago ito bumagsak sa lupa at sumabog.
Ang B-17 na kilala sa reputasyon nito bilang workhorse ay may malaking papel na ginampanan noong World War Two sa Germany at naging isa sa mga most produced bombers.
Habang ang P-63 ay fighter aircraft na ginamit sa labanan ng soviet airforce.
Sa kasalukuyan, pinaiimbestigahan na ng faa at national transportation safety board ang nangyareng insidente upang matukoy ang sanhi ng naturang banggaan. - sa panunulat ni Hannah Oledan