Pinalawig pa ng isang buwan ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang initial trial deployment ng Dalian trains.
Ayon kay Engr. Mike Capati, Director for Operations ng MRT 3, mula aniya sa orihinal na plano na Oktubre 31, palalawigin nila ito hanggang Nobyembre 30.
Paliwanag ni Engr. Capati, layon nitong mabigyan ng karagdagang panahon ang mga Dalian train sets upang isailalim sa mas malalimang obserbasyon.
Gayundin naman ay para makatulong sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ng MRT ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sa sandaling ganap na mapalitan ang mga riles ng MRT, sinabi ni Capati na asahan nang mas madaragdagan pa ang mga Dalian trains na tatakbo sa linya nito.