Nakatakda nang bumiyahe sa buwang ito ang tatlong sets ng Dalian trains.
Ayon kay MRT 3 Director Michael Capati tinututukan na nila ang mga detalye para mai-byahe na kaagad ang Dalian trains sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Capati na hinihintay na lamang nila ang go signal mula sa maintenance provider na Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries, Tes Philippines at sa Department of Transportation (DOTr) bago ang pormal na deployment.
Sa sandaling mai-deploy na ang Dalian trains sa MRT 3 ipinabatid ni Capati na makapagsasakay ito ng 10 hanggang 20,000 pasahero kada araw.
Ang mga tren aniya ng Dalian ay sumailalim lahat sa testing at nakapasa ang mga ito sa 1,000 kilometer commissioning test.