Tinatayang nasa isang Milyong Dolyar ang ipagkakaloob ng may ari ng Dallas Mavericks na si Mark Cuban sa Dallas Police Department
Ito’y ayon kay Cuban ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng Lesbian Gays Bisexuals at Transgender Community o LGBT sa kanilang Lugar
Ginawa ni Cuban ang hakbang kasunod ng malagim na trahedya sa Orlando, Florida kung saan, walang habas na pinagbabaril ang mga nasa isan Gay nightclub
Magugunitang nasa 50 ang patay habang mahigit 50 pa ang sugatan sa nangyaring pamamaril na itinuturing na deadliest mass shooting sa kasaysayan ng Estados Unidos
by: Jaymark Dagala