Nakabawi ang Dallas Mavericks matapos talunin ang Golden State Warriors sa Game 4 ng NBA Conference finals.
Umarangkada ang iskor ng Dallas sa una hanggang ikatlong quarter dahilan para maitala ang iskor na 119-109.
Nanguna sa koponan sina Luka Doncic na nakapagtala ng 30 points, 14 rebounds na may 9 assists at Dorian Finney-Smith na nakapagtala naman ng 23 points, 6 rebounds at 2 assists.
Abangan naman bukas ang muling paghaharap ng dalawang team sa Game 5 ng NBA conference finals, alas-nueve ng umaga, oras sa Pilipinas.