Tinalo ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers sa ika-8 pagkakataon matapos sikwatin ang score na 103-93 sa Staples Center.
Tumipa si forward Dirk Nowitzki ng 25 points habang kumamada si center Zaza Pachulia ng 16 points at 12 rebounds para sa Mavericks.
Lalong lumakas ang mavs makaraang magbalik sa koponan sina forward Chandler Parsons, Guard Deron Williams, at Wesley Matthews.
Nabawasan ang lamang ng Mavs sa 3rd quarter nang makabuslo ng tres si rookie point guard D’Angelo Russell ng Lakers, subalit gumawa ng 17-7 run ang kalaban kaya’t hindi na ito nakahabol.
By: Jelbert Perdez