Nagsara ang Dallas Police Headquarters sa Estados Unidos makaraang pagbantaan ang mga pulis dito.
Ayon sa isang empleyado ng Dallas Police Department, nakatanggap ng pagbabanta ang buong police department mula sa isang hindi nakilalang tao.
Sa pahayag sa media, sinabi ng Dallas Police na nag-lockdown sila bilang seguridad.
Matatandaang 5pulis ng Dallas ang pinatay sa Texas City noong isang araw.
By: Avee Devierte