Mahigpit na tututukan ng MMDA ang daloy ng trapiko, partikular sa mga school zone, ngayong unang araw ng pagbabalik-eskwela.
Ito ang tiniyak ni MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija sa gitna ng inaasahang pagbuhos ng mga sasakyan, partikular sa EDSA.
Ayon kay Nebrija, plantsado na rin ang lahat ng kanilang koordinasyon sa mga local government unit at iba pang ahensya.
Kabilang anya sa kanilang mga hamong kahaharapin ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Mandaluyong at San Juan City.