Asahan na ang mas maluwag na daloy ng trapiko patungong North at Central Luzon sa bakasyon.
Ito’y bunsod ng isasagawang integration ng North Luzon at Subic-Clark-Tarlac Expressways bago ang mahal na araw sa Marso.
Ayon sa Manila North Tollways Corporation, inaasahang matatapos sa unang linggo ng Marso ang pagbaklas sa NLEX Dau barrier at SCTEX Mabalacat barrier sa Pampanga Province, Subic Freeport Expressway Toll Plaza sa Subic, Zambales at SCTEX La Paz toll barrier sa Tarlac.
Inaasahang mababawasan ng 30 hanggang 40 minuto ang biyahe ng mga motorista na patungong Norte o Metro Manila sa oras na matapos ang proyekto na nagkakahalaga ng 650 million dollars.
By Drew Nacino