Nagsikip ang daloy ng trapiko sa Baguio City dahil sa dagsa ng mga turistang mula Metro Manila na sinamantala ang long holiday bunsod ng ASEAN Summit.
Ayon sa Traffic Management Branch ng Baguio City Police Office, umabot sa halos 60 porysento ang naidagdag sa dami ng sasakyan sa lungsod.
Halos hindi mahulugang-karayom ang libu-libong turista partikular sa mga kilalang destinasyon sa lungsod tulad ng Burnham Park.
Naglagay na ang Land Transportation Office ng checkpoints sa Marcos Highway at Kennon road upang suriin ang mga sasakyang paakyat at palabas ng Baguio.
Bukod sa Baguio, matinding traffic din ang naranasan sa Tagaytay City kung saan umabot sa mahigit 400,000 ang dumagsang turista, simula noong weekend.