Bumilis ng 20% ang biyahe sa kahabaan ng EDSA sa muling pagpapatupad kahapon ng 9 na oras na truck ban sa Metro Manila.
Ayon ito kay MMDA Edsa Traffic Chief Colonel Bong Nebrija base na rin sa naging obserbasyon nila sa biyahe mula North Avenue hanggang Magallanes sa magkabilang direksyon.
Ipinabatid ni Nebrija na 25 truck driver ang nahuli nila na pinagmulta nila ng 2k at irerekomenda nila sa ito ang suspensyon ng lisensya ng isang taon kapag 3 beses na nahuli ang isang truck driver na lumabag sa loob ng 3 beses.
Ibinalik ang truck ban sa umaga at gabi dahil sa kahilingan ng Metro Manila Council na naniniwalang gagaan ang daloy ng trapiko ngayong kapaskuhan kapag may partikular na oras na ipagbabawal ang pag-biyahe ng mga truck.