Nagbabala ang isang kongresista hinggil sa epekto ng pagpapatigil ng operasyon ng mga motorcycle taxis sa bansa.
Ayon kay House Committee on Transportation chair Edgar Sarmiento, maaaring mas bumigat pa ang daloy ng trapiko dahil dito.
Aniya, kailangan ng suporta mula sa isang sektor na makatutulong sa mga mamamayan hanggat hindi pa umano maayos ang lagay ng trapiko sa bansa.
Samantala, ibinunyag din ni Sarmiento na mayroong 15 panukala ang nasa Kamara de Represantes hinggil sa pagsasaligal ng motorcycle taxis.