I-mo-monitor na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang daloy ng trapiko, flood at disaster management sa pamamagitan ng mga bagong remote-controlled drones na donasyon sa ahensya.
Ayon kay M.M.D.A. Chairman Danilo Lim, makatutulong ang apat na drones sa traffic monitoring ngayong unang linggo ng pagbubukas ng klase at flood management sa inaasahang pagpasok ng tag-ulan.
May kakayahan ang mga nasabing drone na manatili sa ere nang 20 hanggang 30 minuto, makalipad ng hanggang 400 feet at seven kilometers range.
Nagkakahalaga ang tatlong drones ng tig-100,000 Piso habang ang isa ay nasa 400,000 piso at i-o-operate mula sa MMDA metro base ng labindalawang personnel.