Asahan na ang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga expressway simula bukas dahil sa mga nagsisi-uwian sa probinsya para mag-pasko.
Ilan sa inaasahang pipilahan ang South Luzon Expressway, Star Tollway, Skyway, NAIA Expressway at Tarlac-La Union-Pangasinan Expressway na pawang ino-operate ng San Miguel Corporation (SMC).
Ayon kay SMC President Ramon Ang, libre ang toll sa mga nasabing expressway simula alas diyes ng gabi sa Sabado o sa bisperas ng pasko hanggang alas sais ng umaga ng linggo o sa mismong araw ng pasko.
Libre rin ang toll sa bisperas ng bagong taon simula alas diyes ng gabi hanggang sa mismong bagong taon, alas sais ng umaga ng Enero a – 1.
Gayunman, ibinabala ni Ang na kadalasang bumibigat ang daloy ng trapiko tuwing holiday kaya’t umapela siya sa mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya at pang-unawa.
Dapat din anyang planuhing maigi ang biyahe, lalo ang mga mayroong flight.
Magdedeploy naman ng karagdagang personnel upang tumulong sa pag-scan ng autosweep cards ng mga nakapilang motorista.
Nito lamang Disyembre a – 1 inilunsad din ng SMC ang “Seamless Southern Tollways” initiative kasabay ng holiday rush para sa tuloy-tuloy na biyahe.