Sumisikip na ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) sa gitna ng holiday rush.
Umabot sa 400 metrong haba na pila ng mga sasakyan bago ang cash lane.
Ayon sa pamunuan ng expressway, inaasahan nila aabot ang average sa 4,000 mga sasakyan ang dadaan sa NLEX.
Samantala, nagtalaga ng mga karagdagang traffic marshall, teller at iba pang tauhan upang matiyak na maayos ang operasyon sa mga Tollway.
Nagpatupad din ang expressway ng libreng towing service para sa Class 1 na sasakyan kung saan tatagal ito hanggang alas-6 ng umaga sa Disyembre a-26, at pagkatapos, Enero a-1, alas-6 ng umaga hanggang Enero a-3 ng alas-6 ng umaga. —sa panulat ni Jenn Patrolla