Tututukan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang daloy ng trapiko sa darating na pasukan sa Lunes, Hunyo 4.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hihigpitan nila ang pagpapatupad ng mga batas trapiko lalo na sa mga pangunahing lansangan malapit sa mga paaralan.
Sinabi ni Garcia na nasa mahigit isanlibo’t apatnaraang (1,400) traffic constable ang kanilang ipapakalat sa mga lugar na tambak ang mga estudyante.
Maliban dito, dadagdagan din ng MMDA ang kanilang mga tauhan sa University belt- Maynila, Katipunan Road, EDSA, Cubao, Aurora at Balintawak Cloverleaf.
Samantala, tuloy-tuloy din ang sidewalk clearing operations ng MMDA para malinis ang mga bangketa at may malakaran ang taumbayan.
—-