Unti unti nang luluwag ang daloy ng trapiko sa northbound ng South Luzon Expressway o SLEX sa pagbubukas ng ilang lanes simula sa Disyembre 1, Lunes.
Ayon sa inilabas na pahayag ng San Miguel, bubuksan na ang ikatlong lane sa bahagi ng Skyway at isang bagong two – lane ramp na nagkokonekta sa Alabang Viaduct at sa elevated highway.
Ayon kay San Miguel President Ramon Ang, oras na mabuksan ang mga ito ay limang lane na ang magagamit ng mga motorista.
Dagdag pa nito, oras na maging mabigat ang daloy ng trapiko sa south, gagamitin ang ramp para sa mga sasakyang southbound ang biyahe.
Magugunitang una nang humingi ng paumanhin ang San Miguel dahil sa napakabigat na daloy ng trapiko na dulot ng konstruksyon ng Skyway sa SLEX.