Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang kanlurang bahagi ng Dalupiti Island sa Calayan, Cagayan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang naturang lindol kaninang ala-1:34 ng hapon na may lalim na 54 kilometers.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naitala naman ang intensity 3 sa Luna, Apayao; Pasuquin, Ilocos Norte.
Habang ang intensity 2 naman ay sa Lal-Lo Buguey, Lasam at Peñablanca, Cagayan.
Samantala, wala namang naitalang nasira pero asahan na ang ilang aftershocks.