Nagpositibo sa polio virus type 3 ang daluyan ng tubig sa Calamba, Laguna.
Simula pa noong Oktubre ng taong 2019 ay nagsasagwa na ng buwanang water sampling sa ligasong Creek at San Juan River matapos makapagtala ng kaso ng polio sa Lingga noong Setyembre.
Dahil ditto, nagbabala ang city health office sa mga residente na nagtutungo sa nasabing sapa.
Samantala, nilinaw naman ng city health office na hindi kontaminado ng nakamamatay na virus ang tubig na nanggagaling sa Calamba Water District.