Tuluy-tuloy ang damage assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lando.
Ito ay bilang paghahanda sa recovery at rehabilitation phase sa mga apektadong lugar sa Central Luzon, Northern Luzon at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa NDRRMC, patuloy pa rin ang pagkuha nila ng mga detalye sa pinsala ng bagyo partikular sa sektor ng agrikultura at imprastruktura kayat posibleng pumalo pa sa mahigit 7 bilyong piso ang kabuuang danyos ng naturang bagyo.
By Judith Larino