Nakalambat ang mga mangingisda sa Quezon province ng dambuhalang blue marlin nitong Sabado.
Ayon sa ulat, aabot sa 15 talampakan ang laki at haba ng nasabing isda at may timbang ito na 100 kilo.
Sa karagatan ng Barangay Matinik sa bayan ng Lopez nahuli ang higanteng isda at naibaba ito ng pinagsakyang bangka pasado alas dos na hapon ng Sabado.
Ayon sa mga nakahuling mangingisda, ngayon lang sila nakakuha ng ganitong klaseng blue marlin.
Aabot naman sa pitong katao ang nagbayanihan sa pagbuhat ng higanteng isda dahil sa kabigatan nito.—sa panulat ni Rex Espiritu