Inirekumenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas pa ang dami ng mga inaangkat na karne ng baboy hanggang sa 350,000 metriko tonelada.
Ginawa ito ng pangulo sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagtutol ng iba’t ibang grupo sa pangambang magdulot ito ng matinding pagkalugi sa mga magbababoy lalo’t hindi pa sila nakababangon sa pinsalang idinulot ng African Swine Flu (ASF).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layon ng rekumendasyon ng pangulo na patatagin naman ang suplay ng karne ng baboy, pigilan ang pagsipa ng presyo nito at tugunan ang problema sa food security ng bansa.
Una rito, target ng Department of Agriculture (DA) Na itaas ang minimum access volum para sa karne ng baboy sa apatnaraang libong metriko tonelada upang mapunuan nito ang malaking kawalan sa suplay dahil sa ASF.