Mas matindi ang iniwang basura sa traslacion ngayong taon kumpara sa mga nagdaang mga taon.
Ayon kay Bong Nebrija, Supervising Officer for Operations ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, mahigit sa 16 trucks na ang kanilang nakolektang basura sa Quirino Grandstand pa lamang at Quiapo area.
Sinabi ni Nebrija na limang trucks ng basura ang nakuha nila sa Grandstand samantalang 11 trucks sa Quiapo area.
Hindi pa aniya kasama rito ang mga basurang naiwan sa ruta ng traslacion.
“400 ang galing sa MMDA na mga street sweeper, yan na po ang nakabuntot sa prusisyon, yan na din ang naglinis ng Quirino Grandstand sa pagsisimula ng traslacion, unlike sa mga previous years, medyo natagalan tayo ngayon even though pareho ng personnel na dineploy natin dahil sa dami po talaga.” Pahayag ni Nebrija
(Ratsada Balita Interview)