Pumalo na sa apat na pung porsyento (40%) ang positivity rate o dami ng mga nagpopositibo sa covid-19 sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Doctor Guido David, ang mabilis na pagtaas ng impeksyon ng covid-19 ay isang indikasyon na kumakalat na ang omicron variant sa bansa.
Samantala, umakyat na sa dalawamput siyam na porsyento (29%) ang hospital occupancy rate sa NCR mula sa dating labimpitong porsyento (17%) noong Disyembre a-bente sais. —sa panulat ni Airiam Sancho