Labis na ang dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).
Ito, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairperson Romando Artes, kung saan sa taong 2021 pa lamang ay nasa 300,000 ang karagdagang sasakyan sa bansa, o katumbas ng hanggang 70% ang bumabagtas sa Metro Manila.
Aniya, sumang-ayon ang mga kinauukulang ahensya at stakeholders na mabawasan ang mga sasakyan o ipakalat ito sa isang buong araw.
Samantala, sinabi ni Artes na ang EDSA Bus Carousel program ay nakatulong sa mga commuter dahil isang oras at 30 minuto na lamang ang travel time ng mga ito na dating tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras.