Inaasahang lalampas sa pre-pandemic level ang dami ng sasakyan sa Metro Manila sa susunod na buwan.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, nasa 400,000 ang average na bilang ng mga sasakyan sa NCR bago mag-eleksyon.
Sakaling magkaroon aniya ng face-to-face classes sa Hunyo ay posibleng malampasan ang nasabing bilang.
Muli namang iminugkahi ni Artes ang panukala ng MMDA na i-adjust ang oras ng pasok sa opisina ng gobyerno sa alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para matugunan ang matinding trapiko.