Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brigadier General Vicente Danao ang mga police commander na gawin ang kanilang tungkulin o masibak.
Sinabi ni Danao na dapat paigtingin ng mga otoridad ang law enforcement operations sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na maaari aniyang samantalahin ng mga masasamang loob.
Ayon kay Danao, mayroon siyang rating sa kada distrito kaya’t ang sinumang hepe ng pulisya o station commanders na makakakuha ng mababang rating ay sisibakin.
Kasabay nito, inatasan ni Danao ang lahat ng chief-of-police na i-account ang kanilang mga tauhan at maging ang armas ng mga ito.