Sa panahon ngayon, hindi na nakapagtatakang makakita ng mga taong sumasayaw sa mga pampublikong lugar, dahil na rin sa iba’t ibang trends na nauuso sa social media.
Pero alam mo bang nagkaroon noon ng uncontrollable at sudden urge na sumayaw sa kalsada ang mga residente ng Strasbourg, France? Hindi ito flash mob, kundi isang dancing plague.
Noong July 1518, nagulat ang lahat nang biglang nag-twist, twirl, at shake sa kalye ang isang babaeng kinilala bilang si Frau Troffea.
Ipinagpatuloy ni Troffea ang kanyang solo dance ng anim na araw. Hindi nagtagal, sumali na rin sa sayaw ang ilan pang residente. Pagsapit ng August, umabot na sa 400 ang nabiktima ng dance epidemic.
Ang ilan sa mga ito ay namatay dahil sa heart attack, exhaustion, o kaya naman stroke. Dumating pa sa punto na 15 katao ang namamatay kada araw dahil sa walang tigil na pagsayaw.
Hindi pa natutukoy ang totoong cause ng dancing plague, ngunit ilan sa mga pinaghihinalaang dahilan ay demonic possession, fever, curse, at overheated blood. Mayroon ding theory na nagsasabing isa itong psychological outbreak na dulot ng stress dahil sa kagutuman at mga sakit na laganap sa lugar noong panahong iyon.
Ayon naman sa 20th century researchers, posibleng nakakain ang mga apektado ng tinapay mula sa rye flour na kontaminado ng ergot. Ang ergot ay isang toxic mold na nagdudulot ng hallucinations at kombulsyon.
Hindi man natin malalaman ang totoong dahilan ng dancing plague, palatandaan ito para sa atin na ang lahat ng sobra ay tunay ngang nakasasama.