Paparangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang sportsman at negosyanteng si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco ng Lifetime Achievement Award sa gaganaping virtual awards night sa Marso 27.
Isa si Cojuangco sa tatlong napiling gawaran ng parangal ng PSA bilang pagkilala sa kontribusyon nito sa Philippine sports.
Matatandaang si Cojuangco ay dating Ambassador, Chairman at Chief Executive ng San Miguel Corporation at kilalang businessman at political figure at pumanaw sa edad na 85 nitong nakaraang taon.
Kasama sa mga paparangalan ng PSA ay sina one-time Gintong Alay Project Director Jose A. Romasanta, at si dating PBA commissioner Renauld “Sonny” Barrios.—sa panulat ni Agustina Nolasco