Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dangerous Drugs Board Chairman Benjamin Reyes dahil sa pagkontra sa report ng gobyerno kaugnay sa bilang ng mga nalulong sa illegal na droga sa bansa.
Ayon sa Pangulo, iba ang ibinigay ni Reyes na report kay United Nations Rapporteur Agnes Callamard sa datos na hawak ni dating Philippine Drug Enforcement Administrator Chief Dionisio Santiago.
Aniya, sa record ni Santiago, mahigit tatlong milyong Pilipino na ang lulong sa illegal na droga subalit ang ibinigay ni Reyes kay Callamard ay ang accomplishment report ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na 1.8 million ang mga sumukong addict sa mga otoridad.
Hindi nagustuhan ng Pangulo ang ginawa ni Reyes kung saan dapat nakipag-ugnayan ito sa pdea at PNP bago ibinigay kay Callamard ang report.
Binigyang-diin ng punong ehekutibo na hindi si Reyes ang tagapagpatupad ng batas kaya’t walang dahilan para magtagal pa ito sa puwesto.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping