Nagbitiw na sa tungkulin si dating Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Dionisio Santiago bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board o DDB.
Si Santiago ay pinag-resign umano ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw matapos nitong ihayag na isang pagkakamali ang pagtatayo ng mega drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.
Ayon kay Santiago, hindi niya nakausap ang Pangulong Duterte, subalit ipinadala nito si Executive Secretary Salvador Medialdea na siyang nagpaabot sa dating heneral hinggil sa kagustuhan ng Pangulo na magbitiw na ito sa tungkulin.
Sinabi ni Santiago na ang rule No. 1 ay:
The Boss is always right.
At, kung may mali man ang “boss“, babalikan pa rin niya ang rule No. 1.
—-