Pangkalahatang naging mapayapa at organisado sa kabuuan ang naging concert ng American singer na si Ariana Grande sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ayon kay Southern Police District Director Chief Superintendent Tomas Apolinario, alas-11:00 ng gabi nang matapos ang concert na nagsimula bandang alas-9:00.
Tinatayang umabot sa 12,000 katao ang nanood ng concert.
Sinabi ni Apolinario, base sa impormasyon na kanyang natanggap, may tatlong tao na nawalan ng cellphone pero posibleng nahulog lang ang mga ito sa venue.
Sinasabing 300 security force ang nagtulong-tulong para masiguro ang seguridad sa loob at labas ng MOA Arena kung saan 160 ang mga pulis.
Ang concert ay bahagi ng “Dangerous Woman Tour” ni Grande na siyang nagpasikat ng mga kantang “Break Free” at “Side to Side.”
By Gilbert Perdez
SMW: -RPE