Pansamantalang ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno ang sikat na bilihan ng bulaklak sa lungsod.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ni Moreno sa clearing operations sa Dangwa area.
Ipinaliwanag ni Moreno ang mga vendor na kailangan lamang linisin ang drainage at lagyan ng aspalto ang kalsada.
Sakaling matapos na ang pagsasaayos sa Dangwa tiniyak ni Moreno na maaari na muling itayo ng mga vendors ang kanilang tindahan.
Inaasahang matatapos sa loob ng dalawang araw ang isasagawang pagsasaayos sa Dangwa.