Ipinagtanggol ni Dani Barretto ang inang si Marjorie laban sa mga basher.
Ito ay matapos na palabasing pabaya ng mga netizen si Marjorie dahil sa wala ito sa tabi nang anak nang ma-ospital si Dani.
Pinuna rin ng mga netizen ang hindi pagbisita sa ospital ni Marjorie.
Paliwanag naman ni Dani, hindi naman seryoso ang kanyang sakit para lamang bumiyahe ang ina mula Quezon City patungong St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City.
Ayon kay Dani, bagamat wala doon ng personal ang kanyang ina ay nagpapalitan aniya sila ng text message at nakikibalita ang kanyang inang si Marjorie sa kabuuan ng pagkaka-ospital nito.
Naki-usap si Dani na huwag nang gawan ng isyu o bigyang malisya ang absence ng kanyang ina habang siya ay nasa ospital.
Binigyang diin nitong hndi makatarungang husgahan ang kanyang ina dahil lamang sa naturang insidente.
Si Dani ay anak ni Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi.
By Ralph Obina