Baby boy ang magiging third child ng mag-asawang Danica Sotto at former pba player na si Marc Pingris.
Isang basketball-themed gender-reveal party ang inorganisa ng stepmom ni Danica na si Pauleen Luna at asawa ni Gian Sotto na si Joy, na siyang dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay.
Ibinahagi naman sa instagram ng isa sa mga guest na si Chesca Garcia ang ilang mga kaganapan sa nasabing party kung saan, nag-slam dunk pa si Pingris sa isang miniature hoop at kalauna’y lumabas ang blue confetti.
Labis naman ang pasasalamat ni Danica kina Joy at Pauleen para sa inihandang gender reveal party ng mga ito.