Excited na ang aktres na si Danica Sotto – Pingris na makita ang magiging kapatid sa amang si bossing Vic at asawa nitong si Pauleen Luna.
Ayon kay Danica, bagama’t nais na nila ng kanyang asawang si Marc Pingris na sundan na ang kanilang dalawang anak ngayon taon ay mas gusto niya munang mag-enjoy na makasama ang kanilang magiging bagong kapatid sa ama.
Kwento ni Danica, nagbigay din siya ng payo noon kay Pauleen para makatulong sa pagbubuntis nito.
Aniya, matuturing na blessing ang magandang pagbubuntis ni Pauleen dahil hindi ito masyado nakararanas ng hirap sa paglilihi.
Samantala sa pinakabagong post ni Pauleen sa kanyang Instagram Account, sinabi nito na smooth naman ang kanyang naging pagbubuntis at hindi siya nakaranas ng morning sickness.