“We both respect each other.”
Ito ang naging sagot ni Daniel Matsunaga sa mga komento na third party ang dahilan ng umano’y break-up nila ng aktres na si Erich Gonzales.
Ayon kay Matsunaga, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga maling balita pero kahit malabo aniya ang kanilang relasyon sa ngayon ay nananatili ang respeto niya sa aktres.
Idinagdag ni Daniel na naniniwala siyang hindi magagawa ni Erich ang naturang alegasyon.
Kasabay nito ay may magandang mensahe pa rin ang aktor sa kanyang mga basher: “I just pray that God changes your heart. God bless you guys.”
Matatandaang nitong nakaraang linggo ay naging maugong ang balitang hiwalay na ang “DanRich” matapos na i-delete ni Erich ang mga larawan ni Daniel sa kanyang Instagram account.
Hindi man tahasang sinabi ni Daniel na hiwalay na sila ng aktres ay inamin naman nitong may pinagdadaanang problema ang kanilang relasyon sa ngayon.
By Aiza Rendon
Photo Credit: dandanmatsunaga / Instagram